Happily in love? Broken-hearted? It’s complicated? O hoping ka pa rin na bumalik sya?

Ano man ang lagay ng iyong puso ngayong Valentine’s Day sagot namin kayo dito sa Uso Pa Ang Harana! Valentine’s Day Special Concert!

Sabay-sabay tayong kiligin sa mga awitin ng first Filipino boy band na napasama sa X Factor UK Season 14 – ang Millennial Trio nina Joshua Bulot, Bryan Del Rosario at Kim Lawrenz Ordono, mas kilala bilang JBK.

Namnamin ang kirot, hapdi at aral ng pag-ibig sa pamamagitan ng mga spoken word poetry na handog ng Laya Manila spoken word artists na sina Lance Abellon, Marc Daniel at Roan Mendoza.

It’s a date ha? Kita kits tayo sa NPDC Facebook page sa February 14, 2022, 6:00 p.m.