Ngayong Agosto 2021, ipinagdiriwang ang Buwan ng Kasaysayan at ginugunita ang ika-125 Taong Anibersaryo ng Himagsikang 1896, na isa sa mahahalagang pangyayaring nagbigay-daan sa pagtamo ng ating kasarinlan.

Sa 23 Agosto 2021, 6:00 PM, samahan ninyo kaming magbalik-tanaw sa makasaysayang pangyayaring ito, kasama si Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario, sa susunod na PARKonversations episode na pinamagatang “Bakit Dapat Ipagdiwang ang Himagsikang 1896.”

Maaaring lumahok sa pamamagitan ng Zoom at Facebook Live ng National Parks Development Committee page. Para sa Zoom participants, magrehistro sa link na ito: https://zoom.us/webinar/register/WN_FSe2hIJCQFWYkTAXB8dmsw

Makatatanggap ng digital certificate ang mga lalahok at sasagot ng evaluation form na ibibigay sa dulo ng programa.

Magkita-kita tayo!