Parkonversation-kasaysayan

Bilang pagdiriwang sa araw ng kapanganakan ni Julian Felipe at bilang pagkilala sa kaniyang kahusayan sa paglikha ng Pambansang Awit ng Pilipinas, idineklara ang ika-28 ng Enero bilang Araw ni Julian Felipe, sa ilalim ng Republic Act No. 7805.

Siya ang kinomisyon para mabuo ang komposisyon ng pambansang awit ng Pilipinas, na kinilala bilang “Marcha Nacional Filipina.” May himig itong nakapagbibigay-buhay at antig sa diwang makabayan ng mga Pilipino.

Sa ika-31 ng Enero 2022, 3:00 PM, samahan ninyo kami sa isang PARKonversations webisode na pinamagatang “Ang Kasaysayan ng Pambansang Awit ng Pilipinas” kasama si G. Reinere Policarpio, History Researcher sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP).

Mapapanood ito sa Facebook Live at Zoom. Para sa Zoom participants, maaaring mag-register dito: https://zoom.us/webinar/register/WN_0p1uEElxQOWfR0Tv6qxxtw

*Ang mga lalahok sa webinar at makakakompleto ng evaluation form ay makatatanggap ng digital certificate.