Miss mo na ba ang mga nakakaaliw at makulay na presentasyon tuwing Buwan ng Wika?

Huwag nang mag-alala dahil imbitado ang lahat sa isang kultural na pagtatanghal hatid sa atin ng Paco Park Presents sa darating na ika-27 ng Agosto (Biyernes).

Ang programang pinamagatang “Pagdiriwang: Mga Awit at Sayaw Para sa Buwan ng Wika” ay katatampukan ng La Manila Rondalla at La Manila Dance Ambassadors kasama ang mang-aawit na si Bb. Darlene Brioso.

Kita-kits sa NPDC Facebook page!