Abangan ang muling pagkutitap ng mga tala sa Rizal Park ngayong darating na Miyerkules, ika-13 ng Nobyembre 2019!

Malugod na inihahandog ng National Parks Development Committee, sa pakikipagtulungan ng Department of Tourism, City of Manila, at Intramuros Administration, ang pinaka-maningning na pagbubukas ng Kapaskuhan sa Liwasan, ang “Kumukutikutitap: Lights On for Christmas”.

Kasabay ng pagliwanag ng kalakhang Maynila ay masasaksihan din ang isang programang magtatampok sa Sisters of Mary Girlstown Handbell Ringers – mga Junior at Senior High School students mula sa Sisters of Mary  School – Girlstown na nakapagtanghal na sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Halina’t maki-#Kumukutikutitap na!

Ito ay LIBRE AT BUKAS PARA SA LAHAT.