Kuwentuhan tayo sa Rizal Park Luneta! 

Sa 8 Marso 2022 (Martes), 9:30 AM, magkakaroon ng storytelling activity sa Noli Me Tangere Garden, Rizal Park Luneta, kasama ang Kuwentistang si Ate Melai. Bilang pagdiriwang sa Buwan ng Kababaihan ngayong Marso, tampok sa “Istorya ni Juana” ang mga aklat na nagsusulong sa mahalagang gampanin ng kababaihan sa paghubog ng lipunan.

Ang kuwento ay para sa lahat, bata man o matanda. Kaya libreng makadadalo ang publiko. Magkita-kita tayo sa Martes!