Ngayong Buwan ng Kasaysayan, ipagdiwang natin ang esensiya ng #VictoryAndHumanity sa pamamagitan ng birtuwal na pagbisita sa Gallery of Heroes! Matatagpuan sa Central Section ng Rizal Park, ang makasaysayang busto ng mga bayaning Filipino ay itinayo noong Sentenaryo ng Kalayaan ng Pilipinas noong 1998.

Abangan sa NPDC Facebook Page ang mga itatampok at gugunitain nating mga bayaning nagsulong ng tagumpay at humanidad. Makibahagi tayo sa Buwan ng Kasaysayan sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa nakaraan ng ating bansa at sa kabayanihan at sakripisyo ng ating mga ninuno upang mabigyang-inspirasyon tayo sa sama-samang pagbuo ng mas maliwanag na kinabukasan.

#BuwanNgKasaysayan #GalleryofHeroes

. . . . . . . . . .

This History Month, let’s celebrate #VictoryAndHumanity as we take a virtual walk through of the Gallery of Heroes! Found in the Central Section of Rizal Park, these memorial bust sculptures of Filipino heroes were erected during the Centennial of Philippine Independence in 1998.

Tune in here as we feature and remember these heroes who exhibited victory and humanity. Let us observe History Month by learning more about our country’s past and our ancestors’ bravery and sacrifices so we can be inspired and create a brighter future together.

#HistoryMonth #GalleryofHeroes